Home HOME BANNER STORY Marawi bombing inako ng ISIS

Marawi bombing inako ng ISIS

MANILA, Philippines – Inako ng teroristang grupong ISIS ang pagpapasabog sa nagaganap na misa sa gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City nitong Linggo, Disyembre 3 na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa apat na katao at ikinasugat ng marami.

Sa isang communique, sinabi ng ISIS na ang “its fighters detonated an explosive device on a large gathering of Christian disbelievers in Marawi City,” ayon sa SITE Intelligence Group, isang counterterrorism threat intelligence organization na nagta-track ng online activity ng extremist groups.

Ayon kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr., mahigit 40 katao ang kasalukuyang ginagamot sa government hospital sa Marawi.

Nauna nang kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyaring pambobomba.

“Extremists who wield violence against the innocent will always be regarded as enemies to our society,” anang Pangulo, sabay-sabing nagpakalat na ng karagdagang pwersa upang umalalay sa insidente.

Kinondena rin ang insidente ng Estados Unidos na tinawag nilang “horrific terrorist attack.”

“The United States is in close contact with our Philippine partners and stands with the people of the Philippines in rejecting this act of violence,” pahayag ni State Department Spokesperson Matthew Miller.

Matatandaan na noong 2017 ay kinubkob ng ISIS-affiliated militants ang Marawi sa loob ng limang buwan. RNT/JGC