Home NATIONWIDE Marawi siege victims naghain ng P17B claims

Marawi siege victims naghain ng P17B claims

288
0

MANILA, Philippines – Mahigit P17 bilyong halaga ng claims ang inihain ng mga biktima ng Marawi siege, iniulat ng chairperson ng Marawi Compensation Board (MCB) nitong Lunes, Setyembre 11.

Kasabay ng Joint Congressional Oversight Committee, sinabi ni MCB chairperson Maisara Dandamun Latiph na ang aplikasyon sa compensation ay ipinasa ng 4,762 claimants mula Hulyo 4 hanggang Agosto 31.

“These are people or individuals who claimed that they have a structure destroyed or they have a death claim,” sinabi pa ni Latiph.

Sa mahigit 4,000 claims, tanging 220 pa lamang ang nasuri.

Ang mga biktimang nasuri ang kanilang claims ay makatatanggap ng kompensasyon na umaabot sa P395 milyon ang kabuuang halaga.

Samantala, sinabi ni Latiph na ang mahigit apat na libong claims na inihain ay nagrirepresenta lamang sa 19% ng estimated 23,489 claimants.

Binilang naman ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang magagastos para mabayaran ang lahat ng mga biktima.

“In order to totally compensate all Marawi Siege victims, we need at least ₱89 billion,” ani Bato.

Nauna nang naglaan ang pamahalaan ng 1 bilyon para rito.

Ang MCB ay binuo sa ilalim ng Republic Act No. 11696, o Marawi Siege Victims Compensation Law.

Inatasan ang mga ito na pangasiwaan ang proseso ng aplikasyon at pagbabayad ng kompensasyon sa qualified claimants.

Ang damaged structure ay babayaran ng P12,000 per square meter (sqm) kung ito ay konkreto, P9,000 kung mixed concrete at kahoy, habang P6,000 kung ito ay gawa sa light materials.

Babayaran naman ng P18,000 per square meter ang nasirang ari-arian kung ito ay gawa sa concrete, P13,500 per sqm kung mixed concrete at kahoy, at P9,000 kung gawa sa light materials o kahoy.

Ito ay batay sa implementing rules and regulations ng MCB.

Ang mga kaanak naman ng mga biktimang namatay sa Marawi siege ay babayaran ng P350,000.

Inaasahang matatapos ng Board ang prosesong ito sa loob ng limang taon.

Matatandaan na noong Mayo 23, 2017 ay nilusob ng Maute group ang Marawi City at inokupahan ang lungsod ng ilang buwan. RNT/JGC

Previous article2 murder suspek sa Pasay, timbog; naaktuhan pang nagdodroga
Next articleDSWD puspusan sa distribusyon ng ayuda sa micro rice retailers

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here