Home ENTERTAINMENT Marc Logan, nasa TV5 na!

Marc Logan, nasa TV5 na!

Manila, Philippines – Kasama na ang kilalang broadcaster na si Marc Logan sa hanay ng mga talento ng TV5 matapos pumirma ng kontrata kamakailan na dinaluhan ng mga top executives ng network.

Si Marc ay nanggaling sa Public Service department ng ABS CBN News.

Ang kilalang ‘Pambansang Pantanggal ng Umay’ ay mapapanood na sa TV5 simula Abril 6 sa kanyang show na, Top 5 Mga Kwentong Marc Logan.

Kilala sa kanyang natatanging klaseng pagpapatawa, pangako ni Marc na maghatid ng isang programang magbibigay aliw at magtatanggal ng stress mula sa araw-araw na pagsubok ng buhay.

Sa Top 5 Mga Kwentong Marc Logan, tampok dito ang mga kakaibang kwento ng mga tao, lugar at pangyayari hatid ng katatawanan, aliw, at kakaibang pagkuwento ni Marc.

Bukod sa featured na top 5 stories, may tatlong special segments din ang ipapakita tulad ng: Taba ng U-Talk Naisip mo pa yun? kung saan tampok ang sense of humor ng mga Pinoy, ManOpet! para sa mga tao o pets na may extraordinary talents, at Pakitalk-kitalk kung saan makikita ang mga viral videos sa social media kada linggo.

Bilang isang batikang broadcaster at host, alam ni Marc kung paano makuha ang atensyon ng mga manonood at panatilihin ang kanilang interes.

Anuman ang kanyang ginagawang panayam sa mga celebrity guests, pagsasaliksik ng kakaibang balita, o nakakatawang skits, asahan ang maraming tawanan at masasayang sandali sa bawat pagtatanghal ni Marc Logan. JP Ignacio

Previous articleIRR ng No Permit, No Exam Prohibition Act dapat palakasin
Next articlePasig River Expressway ‘di na itutuloy – Ang