Home ENTERTAINMENT Marc, may panibagong gimik; Kris, bibigay kaya?

Marc, may panibagong gimik; Kris, bibigay kaya?

Manila, Philippines – Tila ang lahat ay handang gawin at gagawin ni Batangas Vice Governor Marc Leviste para patunayan lang kay Kris Aquino na walang kasinglinis ang kanyang hangarin sa off-and-on girlfriend.

Umani kasi ng higit pa sa pogi points si Marc nang i-flex niya ang kanyang larawan during his visit at The Aquino Center at the Hacienda Luisita in Tarlac.

Suot ni Marc ang yellow-colored Ninoy Aquino t-shirt.

He even had his photo taken katabi ng framed picture ng pinaslang na senador.

May nakasulat na Ninoy and Cory Foundation na tila kinongratyuleyt ni Marc.

Netizens could only heap praises para kay Marc na sobra ang paggalang sa mga magulang ni Kris.

Hindi napigilan ang mga ito na ikumpara si Marc sa mga dating nobyo ni Kris.

Ang nakakabilib pa raw kay Marc ay ang katotohanang ilang beses na siyang kinalasan ni Kris, yet he always chooses to stay.

Doon pa lang daw ay malinaw na hindi ginagamit o gagamitin ni Marc si Kris for his personal interests lalo’t pulitiko siya.

Ang magandang attitude din ni Marc, marunong siyang sumala ng mga comments ng netizens na kapatul-patol at hindi.

With regards to positive comments ay positibo rin ang mga sagot ni Marc, even thanking the commenters.

Pero pagdating sa kanyang mga bashers who have nothing good to say, napag-aralan na ni Marc ang “the art of deadma.”

Tiyak na nababasa niya ang mga ‘yon, but Marc finds no time to dignify them.

Opposite ni Kris? Ronnie Carrasco III

Previous articlePapa P at Dingdong, may pakiusap sa moviegoers!
Next articleSharon, to-the-rescue kay Miel!