Home SPORTS Marck Espejo bumitiw sa Cignal

Marck Espejo bumitiw sa Cignal

Namaalam na si Marck Espejo sa Cignal matapos ang makinang na paglalaro sa koponan sa loob ng limang taon kung saan sumungkit ito ng kampeonato sa Spikers’ Turf.

Inanunsyo ng dating Ateneo standout ang development noong Linggo, na nagmarka ng pagtatapos sa isang panahon sa men’s volleyball scene.

“More than (5) years with this AWESOME team. I’m so grateful for all the love and support,” ani Espejo sa isang Instagram post.

Naglaro si Espejo sa HD Spikers mula 2018 hanggang 2023, na naghatid ng tatlong titulo sa anim na kumperensya matapos nilang pamunuan ang Reinforced at Open Conference noong 2019 at ang Open Conference noong 2023.

Sa lahat ng pagkakataong iyon, ang 6-foot-3 high-flyer ay pinangalanang Most Valuable Player.

Si Espejo, na naglaro rin sa ibang bansa kasama sina Weisse Adler ng Japan noong 2018 at FC Tokyo noong 2020, Visakha ng Thailand noong 2019, Bani Jamra ng Bahrain noong 2020, at Incheon Korean Air Jumbos noong Abril 2023, ay hindi pa nagpahayag ng kanyang susunod na hakbang.JC

Previous articleKelot na galing lamay pinaglamayan matapos masalpok ng tren sa Albay
Next articleBebot pinagbabaril ng ex-boypren sa loob ng iskul