Home ENTERTAINMENT Marco at Cristine, pinag-uusapan na ang kasal!

Marco at Cristine, pinag-uusapan na ang kasal!

Manila, Philippines – Inihayag ni Cristine Reyes na matagal nang annulled ang marriage niya kay Ali Khatibi, na ama ng anak niyang si Amarah.

Inamin ito ni Cristine sa panayam sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk with Boy, kung saan ay kasama niya si Marco.

Isa sa natanong sa kanila ni Kuya Boy ay kung napag-uusapan na ba nila ang kasal.

Ang mabilis na sagot ni Marco, “Of course.”

Dagdag pa niya, “I mean, basta ang usapan namin is yung future together. Pero yung details or kung ano, of course, konti-konti. Pero yung mas longer ano, yeah. `Yun ang napag-uusapan namin. The long view, yes.”

Kasunod na tanong ni Kuya Boy kay Cristine ay kung annulled na ba ito.

“Matagal na, Tito Boy. more than a year. Kasi, Tito Boy, hindi ko naman siya in-announce, eh. It`s not something I should celebrate,” sagot ni Cristine.

Sa naturang panayam ay nabanggit na rin ni Marco na nagkakilala na raw ang mga mommies nila at sobrang click daw ang dalawa.

“Very close siya sa family ko and at the same time, we also hang out with her family,” sabi ni Marco.

“One time, we brought her mom sa church so that was a very memorable experience for us.

“Kumbaga, the first time na nag-meet ang mom ko and mom niya, tuwang-tuwa kami kasi it was in a church setting and after that, we had lunch, tapos sobrang click yung mom ko at yung mom niys.

“So, nag-uusap sila, parang they had their own bubble, they had their own world. So tuwang-tuwa kami just watching them. Tapos yun, parang it`s a very touching sight to see,” say pa ni Marco.

Samantala, hangad naman ni Ara Mina ang kaligayahan ni Cristine. Eversince ay laging nakasuporta si Ara sa kanyang younger sister na si Cristine.

Sa isang panayam kay Ara ay nabanggit nito na kinausap niya si Marco para sabihan na mahalin ng tunay ang kanyang younger sister dahil mahal na mahal niya ito.

Hangad ni Ara na maging masaya at maligaya si Cristine at hindi na muling iiyak nang dahil sa pag-ibig.

Reaction naman ng netizen na sana nga raw ay wagas ang pagmamahalan na nadadama nina Cristine at Marco.

Sa showbiz kasi ay walang tumatagal na pagsasama. Mabibilang lang sa daliri ang tumatagal. Gerry Ocampo

Previous articlePasahero nasabat sa pantalan sa marijuana na itinago sa wrapper ng biskwit
Next articleDOLE NIREBISA ANG IMPLEMENTASYON NG IRR NG SERVICE CHARGE LAW