Home NATIONWIDE Marcos admin nakakuha ng ‘excellent’ rating sa SWS overall satisfaction survey

Marcos admin nakakuha ng ‘excellent’ rating sa SWS overall satisfaction survey

97
0

MANILA, Philippines – NAKAKUHA ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng “excellent” grade sa pinakabagong overall satisfaction survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa annual survey review na inilathala, araw ng Martes, Pebrero 7, sinabi ng SWS na nakakuha si Pangulong Marcos ng +74 overall satisfaction rating na nangangahulugan na “excellent.”

Nakakuha rin ang adminitrasyong Marcos ng “very good” rating na +64 pagdating sa pagtulong sa mga mahihirap kasunod ng pahayag ng economic managers kaugnay sa layunin ng adminisrasyon na ibaba ang poverty rate sa 9% sa 2028 o sa pagtatapos ng termino nito.

Sa paglaban naman sa korapsyon, nakakuha ang administrasyong Marcos ng “moderate” rating na +12; sa pagsisikap laban sa illegal drugs, isang “good” rating na +46; at sa paglaban sa inflation, isang “neutral” rating na +1.

“Satisfaction with governance is generally high. However, net satisfaction ratings are ‘moderate’ for fighting corruption and ‘neutral’ for fighting inflation,” ayon sa SWS.

Matatandaang sa mga unang buwan ng administrasyong Marcos, tinutugis ito ng kontrobersiya gaya ng pagsirit sa presyo at importasyon ng asukal at sibuyas.

Binigyan diin din ang inflation dahil sumirit ito sa pinakamataas na 8.7% noong nakaraang buwan.

Samantala, isinagawa ng SWS ang kanilang pinakabagong survey noong Disyembre 10 hanggang14 na may 1,200 adult respondents. Kris Jose

Previous articleDeportasyon ng 2 pugang Hapon walang kinalaman sa Japan state visit – PBBM
Next articleVP Duterte: Learning poverty lumala sa pandemya