Home NATIONWIDE Marcos admin seryoso sa pagtugis sa onion hoarders – Bersamin

Marcos admin seryoso sa pagtugis sa onion hoarders – Bersamin

328
0

MANILA, Philippines- Seryoso ang Marcos administration sa pagtugis sa umano’y hoarders at smugglers na nagmamanipula ng presyo ng sibuyas sa pamilihan, ayon sa Palace official nitong Martes.

“You can expect, you can believe that we are in earnest about hoarders. Matagal na namin tinututukan ‘yan kasi hindi maganda sa taumbayan,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin.

Inihayag ito ni Bersamin nang tanungin ukol sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na magsampa ng reklamo laban sa mga indibidwal, kabilang ang government officials, na sangkot umano sa manipulasyon ng presyo ng sibuyas noong 2022.

“It will be the investigating offices or prosecuting arm of government na ang magiging main authoritative diyan,” ani Bersamin.

Matatandaang nangako si Bersamin noong Hulyo na maghahain ng reklamo laban sa smugglers at hoarders ng agricultural products.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. said sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA) na bilang na ang araw ng smugglers at hoarders.

Inanunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes ang rekomendasyon ng NBI na maghain ng reklamo laban sa anim na indibdiwal na sangkot sa hoarding profiteering.

Nang tanungin kung may kabilang sa mga ito na mga opisyal, sinabi ni Remulla, “Kasama ang mga opisyal sa gobyerno dito sapagkat ang tingin namin sila po ay talagang lumalabas na may sala sa pagkakataong ito.” RNT/SA

Previous articleAbalos: Naantalang promosyon ng PNP senior officers tutugunan
Next articlePimentel sa PCO: Hinay-hinay sa paggamit ng presidential certifications

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here