Home HOME BANNER STORY Marcos admin, sinisisi, kinuwestiyon ni Bato sa paghina ng drug case vs...

Marcos admin, sinisisi, kinuwestiyon ni Bato sa paghina ng drug case vs De Lima

MANILA, Philippines – Tahasang sinisisi at  kinuwestiyon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na huminang kaso ng illegal drugs laban kay dating Senador Leila De Lima kahit iginagalang nito ang desisyon na Muntinlupa Regional Trial Court sa paglaya nito.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, hepe ng pambansang pulisya sa panahon ng drug war ng administrasyong Duterte na kaniyang inirerespeto ang karapatan ni De Lima sa pagpiyansa, hindi nito maintindihan kung bakit humina ang kaso sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Tinututulan din ni Dela Rosa ang desisyon dahil nabigo ang prosecution na patunayan ang akusasyon laban sa dating senador na kritiko sa drug war ng Duterte administration.

Ibinasura din ni Dela Rosa ang insinuation na walang basehan ang kaso laban kay De Lima.

“Hindi ibig sabihin porke nadi-dismiss ngayon at noon nagho-hold water ang kaso ni Senator De Lima ay wala talagang basehan ang pagkaso sa kaniya , ayon kay Dela Rosa.

 “In fact nakasuhan siya, nalabasan ng warrant of arrest so korte, korte ang nagbigay ng warrant of arrest, ‘di ba? So hindi natin masasabi na walang basehan, giit niya.

Inamin din ng senador na nagbago ang pananaw sa kaso ni De Lima nang matapos ang termino ni Duterte.

“Siguro nagbago lang ang paningin sa kaso ngayon na wala na si President Rodrigo Duterte pero talagang may basis iyong korte,” giit pa niya.

Aniya, nakatakda siyang makipag-usap kay Duterte hinggil sa pangyayari sa kaso ni De Lima.

“Hindi pa po. Hindi pa kami nag-usap,” aniya. Ernie Reyes

Previous articleDeliberasyon sa badyet ng CHR sinuspinde ng Senado sa abortion issue
Next articleAbalos sa SKs: ‘Wag magtalaga ng secretary, treasurer na kamag-anak