Home NATIONWIDE Marcos balik-Pinas na

Marcos balik-Pinas na

MANILA, Philippines- Nakauwi na sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang 3-day state visit sa Czech Republic at sa Germany.

Dumating si Marcos sa Pilipinas mula Czech Republic ng alas-3:11 ng hapon nitong Sabado.

Ibinida ni Marcos ang produktibong three-day state visit sa Czech Republic kung saan nakipagpulong siya sa apat na top-ranking government officials at lumagda sa mahahalagang memoranda of understanding (MOUs).

“So, I’m very happy to say that the little time spent here in Prague has been quite productive. And of course, it is really a real pleasure to be in this city. It’s such a beautiful city. I think you’ve seen it, it’s like walking around fairytale town,” wika ni Pangulong Marcos.

Base sa Presidential Communications Office, nakipagpulong si Marcos kina President Pavel at First Lady Eva Pavlová, Prime Minister Petr Fiala, Czech Senate President Miloš Vystrcil at Czech Speaker of the Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.

Sinaksihan din nina Marcos at Pavel ang pagtinta sa Joint Communique na nilalayong magtatag ng labor consultation mechanism sa pagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Czech Ministry of Labor and Social Affairs.

Gayundin, dinaluhan ng mga pinuno ang ceremonial signing ng MOUs sa pagitan ng Philippine business leaders at kanilang Czech counterparts. RNT/SA

Previous articleSurigao del Sur niyanig ng M-4.4 quake
Next article2 suspek sa Jumalon slay nasakote – PTFoMS