Home HOME BANNER STORY Marcos: Pinas ‘di magdadalawang-isip lumaban sakaling may masawing Pinoy sa pagtataboy ng...

Marcos: Pinas ‘di magdadalawang-isip lumaban sakaling may masawing Pinoy sa pagtataboy ng CCG sa WPS

MANILA, Philippines- Hindi magdadalawang-isip ang Pilipinas na gumawa ng hakbang sakaling may Pilipinong masawi dahil sa ginagawang pagtataboy ng mga Chinese coastguard sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa Chief Executive, malinaw na isang uri ng giyera kapag nangyari ito sa mangingisda o kasapi ng Philippine Coast Guard.

”If there’s an incident that ended up killing a Filipino serviceman, be they a Coast Guard or in the military, part of the Navy, that would certainly increase the level of response,” ayon sa Pangulo.

”If by a willful act, a Filipino, not only serviceman or any a Filipino citizen, if a Filipino citizen is killed by a willful act, that is I think a very very close to what we define us act of war,” dagdag na wika nito.

Naniniwala siyang handang tumulong ang mga kaalyadong bansa na mula pa noon ay alam nila ang legal na ipinaglalaban ng Pilipinas.

Nagpapasalamat pa ito dahil sa may nasugatan lamang subalit ibang usapin na kapag may masawing Pilipino dahil sa ginagawang pagtataboy ng Chinese Coast Guard na nasa West Philippine Sea. Kris Jose