Home NATIONWIDE Marcos sa DepEd: PISA score sikaping tumaas

Marcos sa DepEd: PISA score sikaping tumaas

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes ang Department of Education (DepEd) na sikaping paghusayin ang performance ng bansa base sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Sa Palace press briefing, tinanong sina DepEd officials Undersecretaries Michael Poa at Gina Gonong kung dismayado ang Pangulo sa PISA result kamakailan kasunod ng sectoral meeting sa Malacañang Palace. 

Inihayag ng DepEd officials na nais ni Marcos na tutukan ng ahensya ang pagpapahusay sa  teacher support, teacher quality, maging pagtugon sa bullying at nutrisyon. 

”Actually, hindi naman disappointment kung hindi ‘yung push na we need to keep working hard so that we improve our performance in PISA. Pero hindi nga lang PISA kung hindi performance talaga ng mga estudyante natin as a whole,” wika ni Gonong. 

”In terms of what needs to be done… immediately, like kailangan magusap ang mga agencies halimbawa sa nutrition, ‘yung national learning recovery program, ‘yung teacher welfare, lahat ‘yan kailangan naming gawin ngayon,” patuloy niya.

Matatandaang kabilang sa 10 pinakamababang pwesto ang Pilipinas sa 81 bansa na nakilahok sa pag-aaral, kung saan natukoy na patuloy na nahuhuli ang mga mag-aaral na Pilipino sa matematika, agham, at pagbasa.

Nauna nang sinabi ni Gonong na makikilahok pa rin ang Pilipinas sa susunod na PISA na isasagawa sa 2025, subalit inihayag na hindi mataas ang ekspektasyon ng DepEd dahil hindi pa buong naipatutupad ang K-10 curriculum.

Binanggit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Miyerkules ang “poor performance” ng Pilipinas at sinabing makikita sa resulta ng PISA at kahinaan ng education system ng bansa. RNT/SA

Previous articleDOH ‘wag idawit sa usapin ng Cha-cha- exec
Next article#WalangTubig sa Binangonan, Jan. 11-12