Home NATIONWIDE Marcos sa vin d’honneur: Pinas nakabangon na mula sa COVID-19 pandemic

Marcos sa vin d’honneur: Pinas nakabangon na mula sa COVID-19 pandemic

MANILA, Philippines- Nakabangon na ang Pilipinas mula sa epekto ng coronavirus pandemic, Russia-Ukraine war at sigalot sa Middle East, ayon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa taunang Vin D’ Honneur sa Malacañang nitong Huwebes.

“These, we hope to address in support of various partners and stakeholders. I continue to enjoin the diplomatic corps to work closely with us in identifying areas where we can pursue joint and collective endeavors and initiatives,” ani Pangulong Marcos kasabay sa panawagan sa mga miyembro ng diplomatic corps na makipagtulungan sa kanyang administrasyon sa pagtugon sa mga isyu sa kahirapan, food security, kapayapaan at kaayusan, kalusugan, trabaho at kabuhayan.

“It is with confidence that I announce that the Philippines has… I could say [has] gotten back [on] its feet from the reeling effect of the pandemic and the subsequent shocks that we have suffered from the Ukraine war and now from the conflict in the Middle East,” dagdag ni Marcos.

Makikita ang muling pagbangon ng Pilipinas sa pagbuti ng economic condition, at sa “catch-up spending” ng gobyerno, inaasahan ang growth target na 6 hanggang 7 porsyento para sa 2023, ayon sa chief executive. RNT/SA

Previous articleJessy, bet nang sundan si Baby Rosie!
Next articleAFP, DND iginiit na walang kinalaman sa fuel importation mula US