Home NATIONWIDE Marcos: South China Sea, nananatiling ‘point of contention’

Marcos: South China Sea, nananatiling ‘point of contention’

MANILA, Philippines- Nananatiling ”point of contention” ang South China Sea.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang pulong kasama si Vietnamese Prime Minister Pham Minh Ching bilang bahagi ng kanyang two-day visit sa Vietnam.

Sa gitna nito, sinabi ng Pangulo na patuloy na pinaninindigan ng Pilipinas ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

”On regional and international issues, the South China Sea remains to be a point of contention. The Philippines’ position on the South China Sea has been consistent, clear, and firmly anchored in the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea,” ayon sa Pangulo.

Aniya pa, tuloy din ang pagsasagawa ng ”unilateral and illegal actions that violate our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction, and exacerbate tensions in the South China Sea.”

Inihalimbawa naman ng Pangulo ang pangyayari noong Disyembre ng nakaraang taon kung saan hinarass ng China Coast Guard ang Philippine forces sa Ayungin Shoal na bahagi ng Kalayaan Island Group at maging ang exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf ng Pilipinas, kung saan ang bansa ay mayroong soberanya at hurisdiksyon.

”As a concrete example, on 10 December last year, the China Coast Guard once again used a water cannon and damaged a Philippine vessel that was undertaking a legitimate and routine resupply mission in the Ayungin (Second Thomas) Shoal. This closely followed a similar incident which happened in the vicinity of Bajo de Masinloc or Scarborough Shoal,” ayon kay Pangulong Marcos.

Winika pa ng Pangulo na handa ang gobyerno ng Pilipinas na makatrabaho ang like-minded nations, gaya ng Vietnam, sa pagtutulak para sa rules-based international order sa South China Sea.

Aniya pa, ang Pilipinas at Vietnam ay nagbabahagi ng kahalintulad na assessment sa kasalukuyang kalagayan ng regional environment sa ibang maritime nations sa Asia-Pacific.

‘We are committed to work in partnership with other like-minded states to ensure a rules-based international order in the Asia-Pacific region governed by international law,” ang pagtitiyak ni Pangulong Marcos.

”Our support for ASEAN centrality and the ASEAN Outlook on the Indo-Pacific as the foremost regional framework and as the architecture for collective peace, stability and prosperity remains steadfast,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleP25.7M ilegal na droga nakumpiska sa Cordillera
Next articleBilateral trade ng Pinas sa Vietnam target palakasin ng Marcos admin