Home NATIONWIDE Marcos, Zelensky muling mag-uusap

Marcos, Zelensky muling mag-uusap

MANILA, Philippines – MULING mag-uusap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Ukrainian President Vlodymyr Zelensky.

Sa katunayan, inaayos na ang ikalawang pag-uusap sa telepono ng dalawang lider, ayon kay Chargé d’affaires Denys Mykhailiuk, sa naging panayam ng GMA Integrated News.

Kabilang naman sa pag-uusapan nina Pangulong Marcos at
Zelensky ang posibilidad na mag-supply ng vegetable oil at Sanflower oil sa Pilipinas para makatulong sa pagbaba ng presyo.

Sinasabing handa rin na ibahagi ng Ukraine ang kaalaman nito ukol sa military at pakikipagtulungan pagdating sa maritime trade.

Nakahanda na rin aniya ang recovery plan sa bansa kahit na patuloy pa ang digmaan.

Samantala, bukas naman ang Ukraine sa mga kuwalipikadong Pinoy workers na makatutulong sa muling pagbangon ng bansa.

“We will need engineers, we will need construction and development workers. We foresee that Ukraine for the next 50 years will be the biggest construction site in Europe,” ayon kay Mykhailiuk. RNT

Previous articleMakati-Taguig territorial case ‘di isang ejectment case, writ of execution ‘di kailangan
Next articleWork-from-home set-up sa gov’t employees maganda lang sa pandemya – Concepcion