Home ENTERTAINMENT Marian, kumasa sa Marimar challenge!

Marian, kumasa sa Marimar challenge!

Manila, Philippines – Muling binuhay ni Marian Rivera ang kanyang iconic role bilang Marimar sa TikTok, ayon sa pang-uudyok na rin ng kanyang mga tagahanga.

“Challenge accepted” ‘yon na ikinatuwa ng mga fans.

Sa katunayan, nang i-upload ang throwback video ay umani na ito ng 16 million views at mahigit isang milyong likes.

Sinimulan ‘yon ng GMA Primetime Queen sa pagme-make up na sinundan ng pag-indak ng aktres sa saliw ng pamosong dance music ng nasabing serye.

Taong 1996 nang kinagiliwan ng mga Pinoy ang Mexicanovelang Marimar na pinagbidahan ni Ariadna Thalia Sodi Miranda o mas higit na

kilala bilang Thalia.

Taong 2007 naman nang iniere ng GMA ang Pinoy adaptation nito.

Nagsagawa pa ng audition ang GMA kung saan umabot sa 15 ang nagbakasakali.

Kabilang doon si Jennylyn Mercado, homegrown GMA artist.

Kinalaunan, the much-coveted role landed on Marian’s lap.

Sa Marimar din nakilala ni Marian si Dingdong Dantes na gumanap bilang leading man niya and who would later become her husband.

December 2014 nang ikasal sina Dingdong at Marian.

Sa ngayon, may panawagan ang mga fans sa GMA na muling ibalik ang Marimar.

May mga nagsa-suggest na ipagkaloob ang role kay Kathryn Bernardo base sa mga sexy photos nito.

May mga nagmumungkahi rin kay Jillian Ward lalo’t balitang sa June na magtatapos ang top-rating afternoon series nitong Abot-Kamay na Pangarap.

Kung si Marian kaya mismo ang magdedesisyon, sino sa tingin niya ang karapat-dapat magmana ng kanyang iconic role which catapulted her to fame? Ronnie Carrasco III