Home ENTERTAINMENT Marian, paboritong papakin ang kilikili ni Dong!

Marian, paboritong papakin ang kilikili ni Dong!

Manila, Philippines- Ayon kay Marian Rivera, ang open communication daw ang susi kaya nagtatagal ang kanilang relasyon ng mister na si Dingdong Dantes.

Sobra rin daw ang tiwala niya sa kanyang kabiyak.

Kapag daw may mga importanteng desisyon, kinakausap daw siya ni Dingdong at pinagkakasunduan daw nila ang mga bagay-bagay.

Naniniwala rin siyang dapat ang lalake ang nagli-lead sa isang relasyon.

Sa guesting sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi rin niya na si Dingdong ang unang nangangalabit sa kanya.

Ibinuking din niyang mas seloso sa kanya ang kanyang better half.

Kabisado na rin daw niya na ang kiliti ni Dingdong ay nasa tiyan.

Bet din daw niyang halikan ang kilikili ni Dingdong.

Kahit siya raw ang naghahawak ng pera sa pamilya, mas magastos din daw siya kumpara sa mister.

Mas clingy at iyakin din daw siya kumpara sa Kapuso Primetime King.

Pangako rin daw niya sa asawa na hindi siya magsasawang alagaan at intindihin ito araw-araw. Archie Liao

Previous articlePaglalagay sa Red Sea bilang high-risk area, suportado ng Pilipinas
Next articleJanuary 23, 2024 idineklarang special non-working day sa Bulacan