Home ENTERTAINMENT Maricel, bet si Enchong at Joshua!

Maricel, bet si Enchong at Joshua!

281
0

Manila, Philippines- Sa guesting ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, tinanong ng huli ang una kung sino sa mga local stars ang bet niyang ma-interview sa kanyang vlog.

Ang sagot ni Maricel, “May mga bagets akong gusto kagaya ni Enchong (Dee) kasi mahusay siyang umarte, tuwang-tuwa ako pero hindi pa kami nagkakatrabaho. Tapos si Joshua (Garcia). Gusto ko siyang ma-interview, napakabait ng batang ‘yun.”

Kamakailan ay na-interview ni Maricel ang ex-husband niyang si Edu Manzano. Klinaro niya na noong nag-interbyuhan sila ay walang nanumbalik na anuman. Naalala lang niya ang kanilang mga nakaraan.

“Walang nanumbalik kasi kami ni Edu bago naging kami, magkaibigan kami. Kaya may fallback ‘yung aming relationship as husband and wife, meron kaming tinatawag na friendship.

Advertisement

“Nu’ng naghiwalay kami, okay kami. Hindi kami nag-away, magkaibigan kami,” tsika pa nito kay Ogie.

After makipaghiwalay kay Edu, hindi pa ulit pumapasok sa isang relasyon si Maricel. Pero bukas pa naman daw ang pintuan niya sa mga gustong magparamdam sa kanya.

“Open naman kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello.’ Kung mati-take nila (ugali ko), e, di winner ka. Pero ‘pag hindi, umuwi ka na!” diretsong pahayag ni Maricel.Rommel Placente

Previous articlePagpasa ng motorcycle law magbibigay ng opsyon sa mananakay – Grab
Next articleDelivery ng bivalent COVID vax sa bansa, muling naantala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here