Manila, Philippines- Naging close at itinuturing na ni Maricel Soriano na parang tunay na mga anak sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio at Elisse Joson, na mga kasama niya sa seryeng Pira-Pirasong Paraiso.
“Nautuwa ako kasi wala akong anak na babae, ‘di ba? Mga lalaki ‘yung anak ko, kaya kapag nakakakita ako ng girls, ‘Ano ‘yung like mo? Ano ‘yung feel mo? O tapos, kwento ka pa,’” sabi ni Maricel tungkol sa pagkakaroon niya ng chance na makatrabaho ang apat na bidang babae sa sa nasabing serye.
Ang anak na mga lalaki ni Maricel na tunutukoy niya ay sina Marron at Sebastien.
Patuloy niya, “Tapos ini-interview ko sila. Kinakausap ko sila parang mga baby ko, anak-anakan.”
Feel na feel daw ng premyadong aktres ang takot at pagkailang sa kanya nina Elisse, Charlie, Loisa at Alexa lalo na kapag magka-eksena sila.
Kaya naman talagang ginagabayan niya ang mga ito nang bonggang-bongga para mas maging maganda ang kalabasan ng kanilang mga eksena.
“Nahihiya sila, sabi ko, ‘Huy! Huwag naman kayo ganyan. Hindi naman ako nangangagat!’ para matawa sila. Hindi ko alam kung bakit ganu’n.
“Kapag kinakausap ko sila, sabi ko, ‘Don’t be intimidated, don’t be. ‘Yan ang tatanggalin ninyo kasi makakasira ‘yan sa acting n’yo,’” chika pa ng Diamond Star.
Bukod sa Pira-Pirasong Paraiso ay magkakaroon din ng sticom si Maricel sa NET25 kung saan ay makakasama niya si Eric Quizon.
O, ‘di ba, bongga ulit ang TV career ni Maricel? Rommel Placente