Home ENTERTAINMENT Maricel, open sa bagong pag-ibig!

Maricel, open sa bagong pag-ibig!

374
0

Manila, Philippines – Hindi totally isinasara ni Maricel Soriano ang kanyang puso.

Her previous relationships may have failed, pero hindi raw dahilan ‘yon para ‘di na muling umibig.

Inihalintulad ng Diamond Star ang kanyang puso sa pinto.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nilinaw ng aktres na: “I-push mo lang ‘yon, tapos, sasabihin ko: ‘Hello.’ ‘Yun, eh, kung makakatagal sila sa ugali ko. Pero kung hindi, isa lang ang sasabihin ko: ‘Umuwi ka na lang!’ But I’m open,” paliwanag niya.

To keep herself busy lalo’t there aren’t too many showbiz offers ay nakakahiligan ni Marya ang pagba-vlog.

Aminado siyang marami siyang natutunan sa nasabing platform.

Pumatok nga ang recent interview niya sa ex-husband niyang si Edu Manzano.

Sino’ng mag-aakalang she and Edu have remained friends sa kabila ng kanilang paghihiwalay?

Aniya, kahit noong hindi pa raw sila magkarelasyon ay magkaibigan na sila.

At kahit daw nagkahiwalay sila ay nanatiling intact ang kanilang friendship.

Yaman din lang daw na pinangangatawanan na niya ang vlogging, Maricel’s dream interviewees include Enchong Dee and Joshua Garcia, among others.

Si Enchong dahil nahuhusayan daw siya sa akting nito, si Joshua dahil nababaitan naman daw siya rito.

Of late, napag-usapan ang tungkol sa mga baguhang artista na kulang sa paggalang sa mga senior stars.

Ano ang take ni Marya rito? Nakaranas din ba siya ng ganu’ng klaseng showbiz upstarts?

Ani Maricel, so far ay wala pa raw.

But she admits to getting hurt for her fellow oldtimers na may ganoong karanasan.

Pero katwiran niya: “Kung lalapitan nila ako, I’ll say ‘hi.’ Kung hindi naman, huwag nila akong asahang lalapit sa kanila.”

Simple lang ang ibinigay na dahilan ng premyadong aktres why she should not get out of her way to be chummy-chummy with them.

“In the first place, hindi ko naman sila kilala so bakit ko naman i-stress-in ang sarili ko?” aniya.

Take it from the Diamond Star. Ronnie Carrasco III

Previous articleWalkable, bikeable na komunidad isinulong ni Bong Go
Next article4 na estudyante dinukot, 6 katao arestado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here