Home ENTERTAINMENT Mariel, aminadong power tripper!

Mariel, aminadong power tripper!

Manila, Philippines – Madam.

Ito ang gusto ni Mariel Rodriguez na form of address sa kanya ng mga tao.

With power nga naman comes high living.

Aminado si Mariel na maluho siya, isa ito sa mga rebelasyon niya nang sumalang sa lie detector test base sa mga tanong sa kanya ni Bea Alonzo.

But she sees to it she has enough funds para gastusan ang mga luho niya.

‘Yun nga lang, there was a time sa pagsasama nila ni Senator Robin Padilla na mahigpit nitong ipinagbawal na mag-splurge siya.

Exact opposite daw talaga sila ng kanyang lawmaker-husband.

FYI, ayon kay Mariel, Robin is not the type of a person who shops personal stuff.

Ultimo nga raw mga t-shirts nito’y bigay lang, including men’s cologne.

“Pero ako, talagang maluho ako. I fund them kasi gusto ko, si Madam ako. I like when people say: ‘O, andyan na si Madam!'” hirit niya.

Napag-usapan din nila ni Bea kung sino sa kanila nina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales ang pinakamahusay sa hosting department.

Nag-agree ang lie detector test when Mariel pointed to Toni as the better host than her.

Okey rin daw si Bianca pero may sarili din daw siyang estilo, hence she cannot categorically say na mas mahusay ito sa kanya.

One thing’s for sure aniya: “OA kasi ako mag-host!”

Kung may kapansin-pansin sa interview na ‘yon ni Bea kay Mariel, ‘yun ay ang ‘di nila pag-touch sa common denominator nila.

Pareho kasi nilang ex-boyfriend si Zanjoe Marudo na masaya na ngayon kay Ria Atayde. Ronnie Carrasco III

Previous articlePaslit sinakmal; askal niratrat ng amang nagdilim-paningin
Next articlePatay sa banggaan ng tren sa India, 288 na