Manila, Philippines – No! We have a lot of exciting things happening!”
Ito ang tugon ni Mariel Rodriguez nang tanungin kung totoong pansamantala ay hindi muna mapapanood ang M.O.M. sa AllTV.
Naiulat namin nitong February 4, Sabado dito sa Remate Online na isa ang M.O.M. sa tatlong programa ng Villar-owned network na hindi muna mapapanood sa ere.
The two others are Willie Revillame’s Wowowin and Toni Gonzaga’s self-titled show.
Ayon umano sa mismong pamunuan ng AllTV, hindi pa ràw kasi natatapos ang construction ng mga gagamiting studio sa Star Mall sa Shaw Blvd. corner EDSA sa Mandaluyong City.
Pero in fairness to the temporarily displaced network artists ay babayaran ang kanilang talent fees as stipulated in the contracts na pinirmahan nila.
Mukhang hindi well-informed si Mariel sa status ng show nila nina Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto.
Naiulat naman separately sa mga online shows nina Cristy Fermin at Ogie Diaz na hirap ang M.O.M. at Toni na mag-imbita ng mga panauhin para mag-guest.
Sa kaso ng M.O.M., hindi naman daw ito problema as the hosts can tackle various subjects nang walang guest.
In contrast daw ito sa Toni na celebrity ang bentahe kesa sa subject o paksang tinatalakay.
Particularly in Mariel’s case, hindi gaanong kawalan ang M.O.M. since may pinagkakakitaan naman siyang live online selling.
O baka naman kaya nasabi ni Mariel na maraming ganap sa kanilang programa kaya hindi ito matsutsugi sa ere ay dahil nakapagbanko na sila ng maraming episodes.
Ang pangit naman kasi kung the last to know ang mga mismong host, ‘di ba? Ronnie Carrasco III