Home ENTERTAINMENT Mariel, na-bash sa gluta drip pic; Robin, pinagre-resign!

Mariel, na-bash sa gluta drip pic; Robin, pinagre-resign!

Manila, Philippines- May tendency na magpaka-OA ang ibang netizens.

May panawagan kasi ang mga ito na magbitiw bilang senador si Robin Padilla.

Viral at kontrobersyal kasi ang inilabas ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez na mga larawan sa loob mismo ng tanggapan ni Robin sa Senado.

Burado na ang mga ‘yon ngayon.

Pero pictures won’t lie.

Proud pa kasing finlex ni Mariel ang isang pic habang nagpapa-intravenous gluta drip.

With matching inilitanya pa ng TV host cum online seller ang mga benepisyong makukuha sa gluta drip kabilang na ang collagen production, panlaban sa immune system, among others.

Hayun, na-bash tuloy si Mariel nang bonggang-bongga.

Bagama’t malinis naman ang kanyang intensyon, naging unmindful si Mariel sa lugar kung saan namgyari ‘yon.

Sukat daw bang ginawa niyang clinic ang opisinang dapat sana’y iginialang niya.

Pati tuloy ang pagsusuklay noon ni Robin ng kanyang bigote ay naungkat din.

Ginawa naman daw barber shop ni Robin ang Senado.

As for Mariel, male-late daw siya sa kanyang appointment, hence doon sa office ni Robin na lang siya nagpa-gluta trip.

Still, most netizens wouldn’t buy her alibi.

Maging si dating senatoriable Chel Diokno ay nakisali na rin.

Hindi pa raw kasi FDA-approved ang substance na ginamit ni Mariel, therefore, illegal.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon mula sa celebrity couple.

But the height na matatawag ay ‘yung panawagan na mag-resign si Robin sa puwesto.

Ang lagay, kasalanan ng misis niya ay sa kanya gustong ipasa!

Ok o OA? You be the judge! Ronnie Carrasco III

Previous articlePaggawad ng piyansa sa mga suspek sa missing sabungero case iaapela ng DOJ sa CA
Next articleNet income ng SSS noong 2023 lampas ng 62.8% sa target