Home NATIONWIDE Mariel nag-sorry sa ‘Vitamin C’ drip photo sa Senado

Mariel nag-sorry sa ‘Vitamin C’ drip photo sa Senado

MANILA, Philippines- Matapos batikusin ng ilang netizens sa social media, humingi ng paumanhin ang actress-host na si Mariel Rodriguez nitong Linggo sa Senado at sa publiko matapos makatanggap ng Vitamin C drip sa opisina ng kanyang asawang si Senator Robin Padilla.

Sa pahayag ni Padilla sa Facebook, nilinaw ni Rodriguez na Vitamin C drip ang itinurok sa kanya at hindi glutathione drip na nauna nang naiulat habang nasa Senado siya upang bisitahin ang kanyang asawa.

“Upang linawin, nakatanggap ako ng Vitamin C Drip, hindi Glutathione, sa ilalim ng medikal na pangangasiwa ng isang propesyonal na nars,” aniya.

“Hindi ko kailanman intensyon na siraan o sirain ang integridad at dignidad ng Senado. Nais kong ipaabot ang aking taos-pusong paghingi ng tawad sa lahat ng kinauukulan, kasama na ang mga miyembro at kawani ng Senado at ang publiko. Itinataguyod natin ang dignidad at integridad ng Senado,” patuloy niya.

Matatandaang inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na tutol ito sa paggamit ng glutathione, at binigyang-diin na walang nailathalang clinical trials na sumuri sa paggamit ng injectable glutathione para sa pagpapaputi ng balat, maging mga alituntunin sa wastong dosing regimens at tagal ng treatment.

Gayundin, sinabi ng DOH na aprubado lamang ang injectable glutathione ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) bilang “adjunct treatment” sa cisplatin chemotherapy, at walang pinayagan ang FDA ang anumang injectable products para sa pagpapaputi.

Kahit na nilinaw ni Rodriguez na Vitamin C drip ang natanggap niya, nagbabala si DOH Assistant Secretary Albert Domingo, batay sa isang FDA advisory, na maaari itong makasama sa recipients.

“Injectable glutathione is sometimes paired with intravenous Vitamin C. Vitamin C injection may form kidney stones if the urine is acidic. Large doses of Vitamin C have resulted in hemodialysis in patients with glucose-6-phosphate dehydrogenase (G6PD) deficiency,” anang Health official.

Sinabi ni Senator Nancy Binay nitong Biyernes na nababahala siya sa insidente, at binanggit na dapat itong busisiin “because it involves issues of conduct, integrity, and reputation of the Institution and matters that concern health and safety.”

Sa isang post na burado na, ibinahagi ni Rodriguez sa caption: “Drip anywhere is our motto! Hehehe. I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office hehe. I never miss a drip because it really helps in soooo many ways. Collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity, and sooo much more!!! So convenient and really effective.” RNT/SA

Previous articleEDSA People Power ginunita
Next articlePBBM nakiramay sa pagkamatay ng 6 sundalo sa Lanao del Norte clash