Home ENTERTAINMENT Maris, napagkamalang si Bini Gwen!

Maris, napagkamalang si Bini Gwen!

Manila, Philippines- Dahil sa bagong hair style ngayon ni Maris Racal ay napagkamalan siyang  miyembro ng girl group na BINI bilang si BINI Gwen.

Ito yung video na naglalakad siya sa East Avenue papasok sa Quezon Memorial Circle kung saan ginaganap ang pagtitipon para sa PridePH Festival.

Ang sagot ni Maris sa tumatawag sa kanyang BINI Gwen, “Eto yung naglalakad ako sa east ave Happy Pride talagaaa #LoveLaban2Everyone.”

May hawig naman kasi si Maris kay Bini Gwen kaya napagkamalan ang aktres na miyembro ng sikat na sikat ngayong Filipino girl group.

Isa rin kasi ang BINI sa guest sa ginanap na PridePH Festival pero dahil sa malakas na ulan at nagkaroon ng technical problem, hindi na nakapag-perform ang grupo dahil pinahinto na ito ng mga namamahala ng show para sa kaligtasan na rin ng mga audience.

Umabot na sa 371.5k views, 827 retweet, at 10k engagements ang ipinost ni Maris kung saan tinawag siyang BINI Gwen sa kanyang X account. Rommel Placente