Home ENTERTAINMENT Maris, pressured sa titulong RomCom Queen!

Maris, pressured sa titulong RomCom Queen!

Manila, Philippines- Sa interview ni Maris Racal sa ABS-CBN News, sinabi niya na malaking pressure sa kanya kapag tinatawag siyang The New RomCom Queen. Nagpakatotoo ang dalaga sa pagsasabing parang hindi pa niya deserve ang tawaging bagong reyna ng romcom sa Philippine showbiz.

Ito’y sa gitna nga ng tinatamasang kasikatan ng tambalan nila ni Anthony Jennings sa hit ABS-CBN series na Can’t Buy Me Love, na pinagbibidahan ng loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Sey ni Maris, hindi naman daw siya nape-pressure sa loveteam nila ni Anthony, mas pressured daw siya sa titulong Rom-Com Queen ng bagong henerasyon.

“Ayun ‘yung nakaka-pressure! Kasi this country sobrang love nila ang rom-com parang hindi ko pa keri ‘yung crown!” katwiran ni Maris.

Inamin din niya na hindi niya ni-expect na magiging mainit ang pagtanggap ng manonood sa tambalan nila ni Anthony sa Can’t Buy Me Love kung saan ginagampanan nila ang mga karakter nina Irene Chiu at Snoop.

Ngayon nga ay tinatawag na sila ng kanilang mga fans na “SnoopRene” at talagang palaging trending ang mga nakakakilig at nakaka-good vibes nilang mga eksena sa serye.

“Actually until now hindi ako makapaniwala kasi it was all unplanned. Nagkaroon lang kami ng eksena na nakaapak ako ng poop and natuwa naman ako.

“Kasi hindi naman laging may makakatambal ka na magwo-work and ‘yung humor niyo and very happy ako sa support ng mga tao.”

Kino-consider din ng dalaga ang karakter niya sa “CBML” na biggest role niya to date, “There are different categories kasi sa teleserye.

“The first I played sa ‘Pamilya Ko’ si Peachy Magbunga, and then ito naman, dumating si Irene. I think I can say na ito na biggest role ko sa teleserye.”

At tungkol nga sa kasikatan ng loveteam nila ni Anthony, wala naman daw siyang napi-feel na pressure, in fact, excited pa nga siya sa mga susunod na kaganapan sa “SnoopRene.”

“I don’t feel any pressure naman, hindi ako nape-pressure, na ha-happy ako every time may scenes kami ni Anthony.

“Parang very challenging in a good way, na gandahan natin kaysa sa last. So looking forward ako palagi,” aniya pa. Rommel Placente

Previous articleHapon na suspek sa bomb threat sa gov’t offices iniimbestigahan na
Next articleImbes ihele, sanggol patay matapos ihagis ni tatay!