Home ENTERTAINMENT Marissa, nag-retire na bilang singer, ayaw nang magpakabalahura!

Marissa, nag-retire na bilang singer, ayaw nang magpakabalahura!

Manila, Philippines- In tiptop shape na ngayon si Marissa Sanchez.

Her secret? Goodbye unli rice!

Yes, hindi na raw nagkakanin ang singer-comedienne for two months now.

With a svelte figure now, mas walang takot si Marissa na ibinuyangyang sa kanyang audience ang pagbabagong ito via her concert at the Samsung Hall of SM Aura.

Standout nga siya lalo’t puro mga barako ang mga guest performers niya.

Kabilang dito sina Ronnie Liang, Jeffrey Hidalgo, Wilbert Ross, JM de Guzman at Dingdong Avanzado.

What’s so special about Marissa’s show is that “retirement performance” na raw niya ito.

Swan song, if you may call it.

Ayaw na raw kasi niyang kumanta dahil mas gusto niyang mag-focus bilang artista.

Aminado si Marissa na as she ages ay nagbabago rin daw ang kanyang singing voice.

Sa kanyang bagong career direction, babaguhin na rin daw ni Marissa ang nakasanayan na niyang pagiging balahura.

Aminado siya na nagbago na raw ang kanyang pananaw toward religion and morality issues, kaya she’d rather don a wholesome image.

Kamakailan ay ni-launch ni Marissa ang isinulat niyang slumbook on death.

Creepy as it may sound, nangahas si Marissa na gumawa ng libro bilang paghahanda sa isang makatotohanang aspeto sa buhay ng tao: ang kinatatakutang kamatayan.

Marissa’s take on death, however, is not eerie as it seems dahil kapupulutan ‘yon ng mga insights. Ronnie Carrasco III

Previous article2 suspek sa pagpatay ng street sweeper sa Taguig natukoy na
Next articleProseso sa bicam gustong rebyuhin ni Nancy vs ipinuslit na P27B AKAP funds