Home NATIONWIDE Maritime deal ng Pinas, Vietnam lalagdaan sa Hanoi state visit ni PBBM

Maritime deal ng Pinas, Vietnam lalagdaan sa Hanoi state visit ni PBBM

MANILA, Philippines – Nakatakdang pirmahan ng Pilipinas at Vietnam ang isang kasunduan para palakasin ang kooperasyong pandagat ng dalawang bansa.

Kinumpirma nitong Martes, Enero 23, ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Rear Admiral Armand Balilo sa GMA News Online na pipirmahan ang kasunduan sa state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hanoi sa susunod na linggo.

“Napag-usapan lang namin ang iminungkahing (Memorandum of Agreement) kasama ang Vietnam Minister of Foreign Affairs Nguyen Minh Vu sa kanyang pagbisita sa PCG HQ kaninang umaga,” sabi ni Balilo.

Noong Agosto ng nakaraang taon, sinabi ni Marcos na inaasahan ng Pilipinas na lumagda sa isang kasunduan sa Vietnam para palakasin ang kooperasyong maritime sa West Philippine Sea. RNT

Previous articleBantay-riles vs sakuna inaatas ng alkalde sa mga tanod
Next articleQuiboloy ‘no show’ sa Senate probe