Manila, Philippines – As much as possible, Marjorie Barretto does not like to see her son Leon enter showbiz.
For starters, si Leon ang bunsong kapatid nina Julia at Claudia na anak ng aktres kay Dennis Padilla.
Leon’s half sisters are Dani by Kier Legaspi and Erich whose dad is former Caloocan City mayor Recom Echevari.
Ayaw din ng mga kapatid ni Leon for him to tread the same showbiz path.
Bulalas ni Marjorie, “Please, I don’t like!”
In fairness, Marj has nothing against ‘yung mundong pinanggalingan din niya.
It’s just that nangangamba raw siya na baka madiskaril ang pag-aaral ni Leon lalo’t ang galing-galing daw nito sa paaralan.
“I want Leon to be in business, basta outside showbiz industry although showbiz has a lot of good people.”
Nasa kolehiyo na kasi si Leon taking up a business course at the University of Asia and the Pacific.
Napag-usapan din nila sa vlog ng anak ang tungkol sa oras na magkarelasyon si Leon.
Never lay a hand on the woman.
Ito ang mahigpit na bilin ni Marjorie kay Leon: ang irespeto ang kanyang makakarelasyon kahit sa pamamagitan ng pananalita.
Ani Marj, makapangyarihan daw ang salita to the point that it will determine what kind of a husband Leon will turn out to be in the future.
Obyus na may pinanggagalingan ang mga payo ni Marjorie sa anak.
Matatandaang naging laman ng social media last year si Leon dahil sa kanyang pakikipagsagutan kay Dennis.
Tahasang ipinost ni Leon na sa ginagawang pagsasalita ni Dennis, in the process ay pinahihiya nito ang kanyang mga anak.
Samantala, this February ay ipagdiriwang ni Dennis ang kanyang 61st birthday.
It will be recalled na kinainggitan much ni Dennis when his friend Cesar Montano celebrated his birthday last year na kumpletong lahat ang mga anak niya with different women.
Wish ni Dennis na sana raw ay kumpleto rin ang mga anak niya.
This time kaya’y matinag na sina Julia, Claudia at Leon na nakikipagmatigasan sa kanilang ama? Ronnie Carrasco III