Home ENTERTAINMENT Mark Bautista, bet nang magka-anak!

Mark Bautista, bet nang magka-anak!

Manila, Philippines- Crucial para sa crooner na si Mark Bautista ang ginawa niyang pag-out bilang bisexual sa kanyang librong “Beyond The Mark” noong 2018.

Ito ay ikinumpisal niya sa panayam sa kanya ng broadcast journalist turned vlogger na si Karen Davila sa YouTube channel ng huli.

Bukod sa nilayuan daw siya ng ilang mga kaibigan, marami rin daw nawalang oportunidad sa kanya pagdating sa trabaho.

Naging malaking factor daw sa kanyang pag-out noon ang naging near-death experience niya sa Seattle sa Tate noong 2017 kung saan pinuntirya ng isang di kilalang gunman ang kotseng kanyang sinasakyan.

Gayunpaman, wala raw naman siyang regrets sa naging desisyon niya noon.

Naka-get over na rin daw siya sa panghuhusga ng mga tao dahil nagagawa na niya ang gusto niyang gawin.

Nagpapasalamat din daw siya na patuloy na may mga nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang artist.

Sa ngayon, sobrang fulfilling daw para sa kanya ang mapagkatiwalaang magdirek ng isang show.

Aminado rin siyang never pa siyang na-in love sa isang babae.

Maging sa kabaro rin daw niya ay di pa dumarating sa puntong na-inlababu siya.

Open daw naman siya sa posibilidad ng pakikipagrelasyon.

Bet din daw niyang magkaroon ng anak para may makasama siya sa pagtanda at may pamamanahan ng kanyang mga naipundar tulad ng negosyo. Archie Liao

Previous articleASEAN scholarship sa Singapore alok sa mga Pinoy
Next article14 Chinese vessels naobserbahan sa WPS features – PH Navy