Home ENTERTAINMENT Mark, sinita sa pagbuyangyang ng ‘bird’!

Mark, sinita sa pagbuyangyang ng ‘bird’!

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Ogie Diaz ang pagkakataong nagkita raw sila kamakailan ni Mark Anthony Fernandez.

Sumagi tuloy sa isip ng talent manager cum vlogger ang panonood ng pelikulang Scorpio Nights 3 tampok ang aktor.

Ikinaloka kasi ni Ogie ang pagbuyangyang ni Mark ng kanyang “bird.”

Doon na raw niya sinita si Mark.

Ani Ogie, “Nakakaloka ka, kung kelan ka nagkaedad, saka ka naghuhubad!”

Todo paliwanag naman daw si Mark.

Hindi raw niya tunay na ari ang nakita ng mga manonood kundi prosthetics lang.

Matatandaang classic movie ang Scorpio Nights na idinirek ni Peque Gallaga (SLN).

Tampok sa orihinal na besyon sina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda (SLN) at Daniel Fernando, now Bulacan Governor.

Dyinastify naman ni Mark ang pagtanggap ng naturang film project na may ganoong tema.

Noong bata-bata raw kasi siya’y medyo chubby siya.

Ngayong fit na raw siya’t hindi na nakausli ang kanyang tiyan ay malakas na ang kanyang loob.

Bukod sa “bird” ay ipinakita rin ni Mark sa pelikula ang kanyang “behind.”

Sabi nga ni Ogie sa programa nilang Showbiz Updates with Mama Loi: “Gustong sampal-sampalin!”

Hirit ng co-host niya: “Sino, si Mark?”

Sagot naman ni Ogie: “Hindi…gusto kong sampal-sampalin ang puwet ni Mark!”

During his younger days, kabilang si Mark sa sikat na sikat noong Guwapings alongside Jomari Yllana and Eric Fructuoso. Ronnie Carrasco III

Previous articleDavao del Norte isinailalim sa state of calamity sa baha
Next articleKolehiyala patay sa dating nobyo