Home ENTERTAINMENT Mark Tuan ng GOT7 nasa Pilipinas na para sa “The Other Side”...

Mark Tuan ng GOT7 nasa Pilipinas na para sa “The Other Side” concert!

MANILA, Philippines – Nasa Pilipinas na ang GOT7 member na si Mark Tuan para sa kanyang upcoming concert na “The Other Side” sa January 14!

Sa latest Instagram update ni Mark Tuan, binisita niya ang Daranak Falls sa Tanay, Rizal.

Enjoy na enjoy ang K-Pop artist sa paliligo sa falls kasama ang American dancer na si Ken San Jose.

Ang MARK TUAN ‘THE OTHER SIDE’ ASIA TOUR IN MANILA ay gaganapin sa Skydome ng SM North EDSA sa paparating na Linggo, January 14 at 6 PM.

Ito ay inihatid sa atin ng PULP Live World na kilala sa pagdadala ng iba’t ibang K-pop acts sa Pilipinas.

Samantala, sa mga nais humabol para bumili ng ticket ay available pa ito at mabibili sa SM Tickets outlets at online sa https://smtickets.com/tickets/marktuantosmnl

Ang presyo ng ticket ay mula P5,500 para sa regular seat hanggang P13,500 para sa Royalty Standing. Mayroon din itong iba’t ibang fan benefits ayon sa ticket tier na makikita sa ibaba:

Kitakits! Tumutok lamang sa Everyday Korea para sa live updates sa ‘The Other Side’ Asia Tour in Manila ni Mark Tuan. RNT/JGC

Previous articleBossing, tahimik kung sasali sa MMFF 2024!
Next articleWalang signal shutdown sa Sinulog festival – mayor