Home ENTERTAINMENT Martin and Pops, lola’t lolo na!

Martin and Pops, lola’t lolo na!

2449
0

California, USA – May apo na sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Ito’y mula sa kanilang anak na si Robin, their eldest child.

And how does Pops want to be addressed by her grandson pag nagsasalita na ito?

Sorry pero ayaw ng Concert Queen na magpatawag ng lola or mamita.

She prefers to be called as “Lolly” or “Lol”!

Simple lang ang paliwanag niya: Pops kasi kung tawagin siya kaya her still unnamed grandchild might as well call her “Lollipops.”

Ewan kung ano naman ang gustong itawag ni Martin sa kanya ng apo.

Anyway, medyo a little upset lang sina Pops at Martin sa resulta ng gender reveal na idinaos pa sa Amerika.

Ang ine-expect kasi nila ay baby girl.

Ani Martin: “We already have a lot of boys!”

Medyo nahimasmasan lang si Pops after realizing na okey na ring baby boy ang kanilang unang apo as long as the child is healthy.

Bale ang manugang nina Pops at Martin ay non-showbiz partner ni Robin.

Mas maliligayahan tiyak si Pops kung magmamana sa kanya ang apo pagdating ng araw, which is that of a singer.

Samantala, ang gandang pagmasdan na ka-bonding nina Pops, Robin at Ram si Santino, ang anak ni Martin kay Katrina Ojeda.

To the new lolo’t lola, congrats! At kay Robin na isa na ring ganap na ama! Ronnie Carrasco III

Previous articleDepEd: Enrollees para sa SY 2023-2024 bumaba ng 5M
Next articleHigit 32K parak ipinakalat sa balik-eskwela 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here