MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nitong Huwebes na magsagawa ng inspeksyon sa National Capital Region (NCR) warehouse ng departamento sa Pasay city.
Tinukoy ng state auditors ang pasilidad na marumi at magulo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at spokesperson Romel Lopez, inatasan ni Gatchalian si Field Office-NCR Director Michael Joseph Lorico na personal na inspeksyunin ang warehouse.
“The words ‘state of disrepair’ and ‘lack of cleanliness and organization’ are not acceptable to the DSWD’s manual of housing relief items in any of our warehouses or facilities,” pahayag niya.
“Rest assured that the DSWD management is already looking into this concern to fast-track the apply the [fast-track the application of] necessary changes to improve the stockpiling, cleanliness, and condition of the NCR warehouse,” dagdag ng opisyal.
Sa special report na isinapubliko nitong September 18, naobserbahan ng Commission on Audit (COA) na walang sistema ang pagsasaayos ng stocks sa DSWD-NCR warehouse.
Napansin din nito ang presensya ng mga ipis at daga, na maaaring sanhi ng pagkasira ng relief goods.
Nakasaad din sa report na nakita sa storage facility ang senyales ng “wear and tear,” katulad ng depektibong pinto, mga sirang bintana, at sirang bubong.
Gayundin, ipinag-utos ni Gatchalian kay Lorico “to sort out all relief supplies to ensure that no outdated items will be distributed to areas that will be hit by disaster or calamities,” anang tagapagsalita.
Kinokonsidera naman ng DSWD ang mungkahi ng COA na magsagawa ng regular pest control activities at repairs sa mga sirang parte ng pasilidad. RNT/SA