Home NATIONWIDE Mas maayos na logistics para sa relief ops, target ng bagong DSWD...

Mas maayos na logistics para sa relief ops, target ng bagong DSWD chief

101
0

MANILA, Philippines- Hangad ng bagong Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na rebisahin o baguhin ang logistics setup ng bansa para sa relief operations upang mas maging “responsive” ang departamento.

Sinabi ni Sec. Rex Gatchalian na ito ay “shared priority” nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na “very concerned” sa climate change at epekto nito sa “relief efforts” para sa mga apektadong pamilya sa panahon ng kalamidad.

“Sa lawak ng Pilipinas, sabi ko kay presidente, dapat mag-set up tayo ng mas maigi pa na logistics setup,” ayon sa Kalihim sabay sabing, “When you say logistics, ‘yan ‘yung warehousing, transport ng goods.”

“What I said [to the president], dapat hatiin natin into bite-sized geographic areas wherein instead of one central location ng warehousing, dapat multiple sites para you can be very omnipresent faster,” dagdag na wika ni  Gatchalian.

“It’s a superior logistics program that we’re looking at. After all, calamity management and relief operations [are] about logistics,” paliwanag ng kalihim.

Sa ulat, nahaharap sa 20 tropical cyclones  kada taon ang Pilipinas na isang climate-vulnerable  subalit ang epekto ng weather disturbances ay hindi matantya  dahil sa climate change.

Inihalimbawa ni Gatchalian  ang masamang panahon na naranasan sa  Eastern Visayas simula Enero 2, nakaapekto sa mahigit milyong residente at nag-iwan ng ilang patay na indibidwal.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Gatchalian na nagtakda siya ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 2,  ng whole-day briefing sa mga undersecretary ng departamento para talakayin ang mga programa ng DSWD.

Sa kabilang dako, hinggil naman sa usapin ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), winika ni Gatchalian na dapat na suriing mabuti ang database  nito at marapat lamang na makapagpalabas ang DSWD ng “index of success measurement.” Kris Jose

Previous articleHigit 260K kaso ng physical bullying, naitala ng DepEd
Next articleKylie, inuudyukang totohanin ang suntok kay Vin!