Home HOME BANNER STORY Mas mababang airfare inaasahan sa pagbaba ng fuel surcharge sa Level 5...

Mas mababang airfare inaasahan sa pagbaba ng fuel surcharge sa Level 5 sa Hulyo

MANILA, Philipines- Bababa ang fuel surcharge sa Level 5 sa susunod na buwan, mula sa Level 6 mula Marso, na nangngahulugan ng mas mababang airfares.

Sa ilalim ng Level 5, ang fuel surcharge para sa one-way domestic flight ay pumapalo sa P151 hanggang P542, at mula P498.03 hanggang P3,703.11 para sa one-way international flight, depende sa distansya.

Mas mababa ito kumpara sa P185 hanggang P665 para sa domestic flights at P610.37 hanggang P4,538.4 para sa international flights na fuel surcharge sa ilalim ng Level 6.

“We welcome the Civil Aeronautics Board’s (CAB) decision to decrease the fuel surcharge. This positive step makes air travel more affordable for passengers and boosts demand as we enter the third quarter,” ani Cebu Pacific president Xander Lao.

Sa abisong nilagdaan noong Hunyo 18 subalit ipinost sa website ng CAB noong Biyernes, sinabi nitong ang airlines na nais magpatupad o mangolekta ng fuel surcharge ay dapat maghain ng kanilang aplikasyon sa Office of the Executive Director sa mismong araw o bago sumapit ang effectivity period.

Ang applicable conversion rate para sa July 1 hanggang 31 ay USD1 is to P58.07. RNT/SA