Home NATIONWIDE Mas mababang pamasahe sa eroplano, asahan sa Hunyo – CAB

Mas mababang pamasahe sa eroplano, asahan sa Hunyo – CAB

334
0
A Cebu Pacific aircraft at the tarmac of the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

MANILA, Philippines – Asahan na ang mas mababang pamasahe sa eroplano sa susunod na buwan matapos babaan pa ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang allowed fuel surcharge sa Level 4 mula sa kasalukuyang Level 5.

Sa ilalim ng Level 4 fuel surcharge, ang mga pasaherong bibili ng ticket sa eroplano ay magbabayad lamang ng P117 hanggang P342 para sa domestic flights, P385.70 hanggang P2,867.82 para sa international flights para sa surcharge depende sa layo.

Nasa P151 hanggang P542 naman ang fuel surcharge sa domestic flights sa ilalim ng Level 5 at P498.03 hanggang P3,703.00 sa international flight sa nasabing lebel.

Ayon sa CAB, tatapyasan nila ang fuel surcharge level dahil sa patuloy na pagbaba naman ng presyo ng jet fuel. Ang fuel component ay bumubuo sa 50% ng pamasahe sa eroplano. RNT/JGC

Previous articleHiroshima todo-higpit sa G7 Summit
Next articlePagdami ng pasyenteng may COVID, dama ng PGH

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here