Home NATIONWIDE Mas mabigat na parusa sa tiwaling law enforcers inihain sa Kamara

Mas mabigat na parusa sa tiwaling law enforcers inihain sa Kamara

MANILA, Philippines – Isang panukala na naglalayong patawan ng 20 taong pagkakakulong sa sinumang alagad ng batas na masasangkot sa cover-up ng mga drug at heinous crimes ang inihain sa Kamara.

Layon ng House Bill 7972 na inakda ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na maamyendahan ang Article 19 ng Revised Penal Code upang maisama na mapatawan ng mabigat na parusa ang mga law enforcers na nagiging accessories sa mga heinous crimes gayundin ang direktang nag-uutos na sirain ang mga ebidensya sa kaso.

“Law enforcers and other persons in authority are responsible for maintaining public order and preventing crime. They should be held to a higher standard of behavior and conduct as protectors of the people. Thus, when they turn out to be the problem themselves by acting as accessories to the commission of heinous crimes, they become hoodlums in uniform who deserve to be severely punished under the law,” paliwanag ni Yamsuan sa panukala.

Ipinaliwanag ng mambabatas na sa ilalim ng kasalukuyang batas ay mas mababa ng two degrees ang ipinapataw na parusa sa mga nagiging “accessories” sa krimen na dapat baguhin na.

“This means persons in authority who acted as accessories to the commission of heinous crimes will be penalized with reclusion temporal or imprisonment of between 12 to 20 years, instead of the current maximum 12-year jail term” pahayag ni Yamsuan.

Kasama sa tinutukoy na heinous crime ni Yamsuan ay ang “importation, distribution, manufacturing at possession ng illegal drugs gayundin ang treason, piracy in general, mutiny on the high seas, qualified piracy; qualified bribery; parricide; murder; infanticide; kidnapping at serious illegal detention; destructive arson at rape. Gail Mendoza

Previous articleP12-B pondo ng Comelec sa PI plebiscite, pinababantayan ng Senado
Next articleAgarang tigil-putukan sa Gaza ipinanawagan ng Pinas