Home NATIONWIDE Mas mahabang validity ng rehistro ng mga sasakyan, inihihirit sa Kamara

Mas mahabang validity ng rehistro ng mga sasakyan, inihihirit sa Kamara

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Cagayan de Oro City 1st district Representative Lordan Suan ang panukalang magpapalawig pa sa validity ng rehistro ng mga sasakyan.

Sa ilalim ng House Bill 8438 o Extended Motor Vehicle Registration Act, layon nitong magbigay ng certificate of registration sa mga bagong sasakyan na may validity ng hanggang limang taon habang validity na tatlong taon naman sa certificate of registration ng brand-new motorcycles.

Para sa mga sasakyan naman na edad lima hanggang pitong taon, ang validity ay magiging tatlong taon habang ang mga sasakyan edad walo hanggang siyam na taon ay may validity na dalawang taon.

Tanging ang mga sasakyan na mahigit 10 taon ang edad ang kailangang mag-renew taon-taon ng kanilang rehistro.

Para sa mga motorsiklo, ang mga edad tatlo hanggang pitong taon ay dapat mag-renew ng kanilang certificate of registration kada dalawang taon habang ang mga motorsiklo edad walong taon pataas ay dapat i-renew taon-taon.

“By extending motor vehicle registration, this bill will help motor vehicle owners and drivers save registration renewal fees in the long run. They will also be able to avoid late fees as they won’t miss the deadline for renewal,” sinabi ni Suan.

“We should give precedence to this bill as motor vehicle owners and drivers, both public and private, play a significant role in our economy and community. Their work is invaluable. We must appreciate and support them to ensure that they can continue to provide this essential service,” dagdag pa niya.

Pending pa sa House Committee on Transportation ang naturang panukala. RNT/JGC

Previous articlePBBM natuwa sa mataas na approval rating
Next article1 patay, 9 nawawala sa lumubog na bangka sa DavOr