Home NATIONWIDE Mas mahigpit na parusa hirit ni Risa sa mga opisyal na mamimilit...

Mas mahigpit na parusa hirit ni Risa sa mga opisyal na mamimilit sa mga witness na magsinungaling

MANILA, Philippines – Naghain ng panukala si Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na layong magpataw ng mas mahigpit na parusa sa mga empleyado o opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang namilit sa kanilang witness para magsinungaling.

Ito ay sa ilalim ng Senate Bill 2512 na nagpaparusa sa crime of subornation of perjury sa pag-amyenda sa Revised Penal Code ng “Subornation of perjury, particularly when committed by public officers and those in power, strikes at the core of justice by undermining the truth-seeking function of the legal system,” sinabi ni Hontiveros sa paghahain ng panukala.

“This bill seeks to preserve the integrity of court proceedings and maintain public confidence in the fairness and impartiality of the legal process by sending a strong message that dishonesty and corruption within the legal system will not be tolerated,” dagdag pa niya.

Para kay Hontiveros, ang pagpapataas sa parusa laban sa mga empleyado ng pamahalaan an sangkot sa subornation of perjury ay nagpapakita ng “a commitment to maintaining the highest standards of honesty and accountability in the public service.”

Sa ilalim ng panukala, ang subornation of perjury ay ginawa kung ang isang tao ay namili, nag-impluwensya o nag-udyok sa ibang tao para magsinungaling.

Parurusahan ang naturang indibidwal ng guilty sa false testimony o katulad nang sila na rin ang nagbibigay ng pekeng testimonya.

Mahaharap sa hanggang anim na taong pagkabilanggo, P1 milyong multa at perpetual absolute disqualification sa pag-upo sa anumang posisyon sa pamahalaan ang public officers o empleyado na mapatutunayan dito.

Maliban sa pagpaparusa sa mga indibidwal na sangkot sa subornation of perjury, layon din ng panukala na magkaroon ng hiwalay na aksyon para sa pinsalang idinulot nito. RNT/JGC

Previous articleGuro nilamon ng dagat sa Pangasinan
Next articleMga nasawing bata sa Gaza inalala ni Pope Francis sa kanyang Christmas message