Home NATIONWIDE Mas maigting na presensya ng Chinese vessels sa Scarborough Shoal naobserbahan

Mas maigting na presensya ng Chinese vessels sa Scarborough Shoal naobserbahan

MANILA, Philippines- Naobserbahan ang pagdami ng bilang ng China Coast Guard (CCG) at Chinese militia vessels sa bisinidad ng Scarborough Shoal sa West Philippine Sea, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules.

Hanggang alas-4:30 ng hapon nitong Martes, namataan ang anim na CCG vessels at walong hinihinalang Chinese maritime militia vessels sa bisinidad ng low-tide elevation na kilala rin bilang Panatag Shoal at Bajo De Masinloc, ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Mula nang angkinin ng China ang sandbank noong 2012, dala-dalawang CCG vessels lamang ang idine-deploy sa lugar.

Sinabi ni Commodore Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea, na hindi pa nila matukoy ang dahilan ng pagdami ng Chinese vessels.

“We cannot speculate on their intent; we are constantly monitored through maritime patrol ships, surveillance aircraft, and other sensors,” pahayag ni Trinidad sa isang press conference.

“There presence has been fairly constant. if we graph it over a good number of years there was no major spike, it will become alarming if it will be beyond the capability of the [China’s] South Sea fleet,” wika pa niya.

Iginigiit ng China ang pagmamay-ari sa halos kabuuan ng South China Sea, kabilang ang malawak na parte ng West Philippine Sea, sa kabila ng 2016 international tribunal ruling na bumabasura rito.

Saklaw din sa landmark decision ang Scarborough Shoal, na idineklara nitong traditional fishing ground para sa ilang magkakalapit na bansa. RNT/SA

Previous articleTulak timbog sa P7.2M marijuana
Next articlePresidente ng Vietnam bumaba sa pwesto