Home NATIONWIDE Mas mainit na panahon, asahan ngayong Semana Santa – PAGASA

Mas mainit na panahon, asahan ngayong Semana Santa – PAGASA

MANILA, Philippines – Asahan ang mas mainit pang panahon ngayong Semana Santa.

Ayon sa PAGASA, ang tag-init sa Pilipinas ay inaasahang tatagal hanggang sa huling linggo ng Mayo o unang bahagi ng Hunyo.

“Maiksi lang po ang ating dry season,” ayon sa PAGASA.

Matatandaan na nitong Biyernes ay inanunsyo na nagsimula na ang warm at dry season o tag-init dahil sa pagtatapos ng pag-iral ng northeast monsoon o amihan sa bansa.

Kasunod nito ay nakapagtala ng mataas na temperatura ang ilang bahagi ng bansa, at nagbabala pa ang ahensya na mas tataas pa ito sa mga susunod na araw. RNT/JGC

Previous articleHigit 1M Ukrainians walang kuryente sa mga airstrike ng Russia
Next article50 pamilya apektado ng sunog sa Tondo