Home NATIONWIDE Mas malaking diskwento para sa seniors, PWDs kasado sa sunod na linggo

Mas malaking diskwento para sa seniors, PWDs kasado sa sunod na linggo

MANILA, Philippines- Simula sa sa susunod na linggo ay magiging epektibo na ang pagtaas ng cap para sa weekly grocery discount ng senior citizens at persons with disabilities (PWDs) dahil magiging P125 na ito mula sa dating P65.

Nilagdaan na kasi nitong Huwebes ang revised rules ukol sa 5% special discount sa basic goods at prime commodities para sa mga lolo’t lola at PWDs.

Lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI), isa sa tatlong ahensya ang mangangasiwa ng implementasyon ng revised rules, sa bagong joint administrative order na ilalathala sa Lunes, Marso 25.

Sa oras na mailathala ito, kagyat na magiging epektibo ito.

“We recognize the valuable contributions of our senior citizens and persons with disabilities to our society, and this initiative reiterates our unwavering commitment to ensure their access to essential goods,” ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual sa isinagawang signing ceremony.

Maliban sa DTI, ang dalawang iba pang signatories ay ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Energy (DOE).

“Goods covered are those defined in the Price Act, products that are considered essential for sustenance, especially during calamities and other emergencies,” ayon sa ulat.

Ang mga pangunahing pangangailangan naman sa DTI’s watch ay kinabibilangan ng canned fish at iba pang marine products, processed milk, coffee, laundry soap, detergent, candles, salt, bottled water, at locally manufactured instant noodles.

Sakop naman ng mandato ng DA ang bigas, mais, cooking oil, fresh at dried marine products, fresh eggs, fresh pork, beef at poultry meat, fresh milk, fresh vegetables, root crops, sugar, at fresh fruits.

Para naman sa DOE, responsable ito para sa mga household liquefied petroleum gas at kerosene.

Ang mga halimbawa ng prime commodities sa ilalim ng DTI supervision ay ang harina, processed and canned pork, beef and poultry, vinegar, fish sauce, toilet soap, paper, school supplies, at batteries.

Kasama naman sa ilalim ng DA ay ang dried pork, beef at poultry meat, onion, garlic, fertilizer, pesticides, at herbicides.

Winika ng DTI na ang special discount para sa mga item na ito ay dapat ipatupad para sa ekslusibong paggamit ng senior citizens at PWDs, na walang probisyon na pahintulutan ang anumang unused amount na magamit sa susunod na linggo.

Nilinaw din nito na ang discount ay iba mula sa 20% statutory discount na ipinagkaloob sa ilalim ng Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010, maging sa ilalim ng RA 10754, o Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs. Kris Jose

Previous articleKampo ni Gabo, nagtataka sa paratang ni Sharon!
Next articleAngara: Senado may sariling schedule sa economic Cha-cha hearings