Home METRO Mas marami pang pulis ipinakalat sa election areas of concern sa E....

Mas marami pang pulis ipinakalat sa election areas of concern sa E. Visayas

MANILA, Philippines – Nagpakalat pa ng mas maraming pulis ang Police Regional Office (PRO) 8 (Eastern Visayas) sa 491 barangay na tinukoy bilang election areas of concern isang araw bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa mahigit 7,000 ppolice officers na naka-deploy sa rehiyon sa kanilang election-related duties, nasa 2,400 ang nakatalaga sa first congressional district ng Samar at 2,300 naman sa third district ng Leyte, ayon kay PRO-8 acting Director, Brig. Gen. Reynaldo Pawid, nitong Sabado, Oktubre 28.

Itinaas na rin ng regional police ang full alert status hanggang sa matapos ang pagbabalik sa local election offices ng lahat ng election paraphernalia matapos ang halalan.

“The entire force of the police regional office have come prepared and are now ready to serve and secure a peaceful conduct of election on Monday. As part of our preparation, we have launched various elaborative planning and coordination with other partner agencies to exhaust all possible measures in realizing one shared goal, a safe, accurate, fair, and peaceful conduct of elections,” ani Pawid.

Ang mga pulis ay naka-istasyon sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon upang masiguro na maayos ang paghahatid ng election paraphernalia at nagsagawa rin ng inspeksyon at monitoring.

Sa 491 barangay sa rehiyon, 197 ang tinukoy bilang election areas of concern, 131 bilang immediate areas of concern at 63 bilang areas of grave concern.

Ang areas of concern ay ang mga lugar na may kasaysayan ng election-related incidents sa mga nagdaang halalan, may posibilidad ng pagkakaroon ng armed grooups at pagkakaroon ng politically motivated election-related cases na nauna nang idineklara sa ilalim ng control ng Commission on Elections (Comelec).

Ang areas of immediate concern naman ay inilalagay sa mga lugar na may serious armed threats, habang ang areas of grave concern ay nagpapakita ng “combined factors.”

Katuwang ng mga pulis ang mahigit 2,000 sundalo ng Philippine Army at 200 tauhan ng Philippine Coast Guard.

Samantala, naitala ng PRO-8 ang tatlong election-related incidents sa rehiyon hanggang nitong Oktubre 26. RNT/JGC

Previous articleDaan-daang gusali sa Gaza sinira ng Israeli strikes – rescuers
Next articleUN suportado ng Pilipinas sa pagtugon sa humanitarian crisis sa Israel-Hamas war