Home NATIONWIDE Mas maraming defense interactions sa Pilipinas, target ng Czech Republic

Mas maraming defense interactions sa Pilipinas, target ng Czech Republic

MANILA, Philippines – Target ng Czech Republic na magkaroon ng mas maraming interaction sa Department of National Defense (DND), kasabay ng pagpapahayag ng suporta nito sa nagpapatuloy na modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pahayag ni DND spokesperson Arsenio Andolong nitong Huwebes, Pebrero 8, ito ang naging ‘highlight’ ng pagpupulong sa pagitan ng delegasyon mula sa Czech Republic, Czech Ambassador to Manila Karel Hejč, at DND Undersecretary Irineo Espino sa DND headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong Pebrero 6.

“The Czech delegation’s courtesy call served as a follow-up to Ambassador Hejč’s introductory call on Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. in December 2023,” ani Andolong.

Sinabi pa na napag-usapan ng dalawang bansa ang common security challenges, upholding international law, lalo na ang pagtutok sa international maritime law, at prospects para sa long-term defense cooperation sa ilalim ng 2017 agreement on defense cooperation at 2021 memorandum of understanding (MOU) kaugnay sa kooperasyon sa defense industry at logistics sa pagitan ng DND at Czech Defense Ministry.

“The Czech delegation reiterated their country’s support to the modernization of the AFP, highlighting their defense products, ranging from small arms to various defense platforms. Ambassador Hejč also expressed keenness to pursue government-to-government cooperation, explore joint manufacturing arrangements, and offer financing options for potential projects,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Andolong na inaabangan ng dalawang bansa ang 5th Asia Defense and Security, Crisis & Disaster Management Exhibition and Conference (ADAS) sa Setyembre at ang pagho-host ng DND ng 2nd Joint Defense Committee (JDC) Meeting sa mutually agreeable date ngayong taon. RNT/JGC

Previous articlePatay sa landslide sa Davao de Oro, 15 na
Next article200 PDLs mula Leyte, inilipat sa NBP; tutulong sa green revolution