Home NATIONWIDE Mas maraming ‘pro-China’ trolls, influencers asahan

Mas maraming ‘pro-China’ trolls, influencers asahan

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagdami ng pro-China trolls at influencers sa social media dahil sa patuloy na paglantad ng gobyerno ng Pilipinas sa illegal na hakbang ng Beijing sa West Philippine Sea.

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang China ay gumagamit ng ibat-ibang social media platforms at umaasa sa mga troll nito upang pahinain ang assertive transparency initiative ng Pilipinas.

Naniniwala ang opisyal na ang inisyatiba ay naging epektibo sa pagsama-sama ng mga Pilipio at kontrahin ang pagtaas ng disinformation ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Tarriela, ang rason ng pagkakaroon ng posibilidad na tataas ang pro-China trolls ngayon ay dahil batid aniyang sinimulan ang transparency strategy sa WPS na naging napaka-epektibo na ang gobyerno sa pagtuturo sa mga Filipino at pagbabahagi ng tamang impormasyon sa international community.

Inanunsyo ng gobyerno ng Pilipinas ang transparency initiative matapos gumamit ang China Coast Guard ng military-grade laser laban sa Pilipine patrol vessel malapit sa Ayungin Shoal noong Pebrero ng nakaraang taon.

Ngayong nasa ikalawang taon, sinabi ng opisyal na ang National Task Force on the West Philippine Sea ay patuloy sa paglantad sa pananalakay ng China.

Sinabi ni Tarriela na ang pangako na hindi lamang ng PCG kundi ng buong NTF-WPS ay para suportahan ang transparency initiative na ginagawa ng bansa para sa patuloy na paglantad sa agresibong hakbang ng China–ang kanilang illegal na presensya at bullying behavior na ginagawa nila sa mga mangingisdang Pilipino.

“Ang usaping WPS, ito lang nagpapakaisa sa mga Pilipino regardless of who you supported sa nakaraang election… dahil ang laban sa WPS ay hindi laban ng administration, kundi laban ito ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa ni Tarriela. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKris, nasa UCLA hospital na; Joshua, nagbalik-Pinas!
Next article‘Harana ng Pag-ibig’ sa NPC, matagumpay na idinaos!