Home NATIONWIDE Mas maraming radar sa WPS hirit ng PCG

Mas maraming radar sa WPS hirit ng PCG

MANILA, Philippines – Umaasa ang Philippine Coast Guard (PCG) na makakapaglagay pa ng mas maraming radar ang gobyerno at makakapag-deploy ng maraming barko na tutulong para protektahan ang mga asset ng bansa sa West Philippine Sea.

Ang Pilipinas ay umaasa sa teknolohiya sa West Philippine Sea upang kontrahin ang mga iligal na aktibidad ng China, ang pinakamalaking ekonomiya sa Asia, na nagdeploy ng maraming barko upang angkinin ang halos buong South China Sea, sabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG.

“Our strategic use of technology has allowed us to counter China’s action,” saad ni Tarriela sa Social Good Summit.

Ayon kay Tarriela, sa halip na makisali sa direktang komprontasyon ay kinukunan ang mga insidente ng larawan at drone shots. Ang paglalabas aniya ng mga larawan sa ibang bahagi ng mundo ay nagdudulot ng mas malaking pinsalang diplomatiko sa mga Tsino.

“Install more radars, intensify our capability for automatic identification system… Have more vessels so that everytime we track a Chinese vessel, we can send our own vessels,” sabi pa ng PCG spokesperson.

Sinabi ni Tarriela ang paggamit ng teknolohiya, pinapanagot ang Tsina sa kanilang tahasang paglabag sa internasyonal na batas, dahil ang kanilang mga aksyon ay ipinapalabas na ngayon sa buong mundo.

Ang transparency sa mga aktibidad ng Beijing sa West Philippine Sea ay mandato ng administrasyong Marcos Jr., sabi ni Tarriela nang tanungin kung bakit hindi naglabas ng maraming impormasyon ang PCG sa pagsalakay ng China sa nakalipas na 6 na taon.

Sa unang bahagi ng buwang ito, hinimok ni Marcos Jr. ang Timog-silangang Asya at iba pang mga pinuno ng mundo na magtulungan upang panatilihing ligtas, bukas at malaya ang Indo-Pacific mula sa ilang “hegemonic ambitions.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleDagdag-plantilla position sa early childhood care council, isusulong ng solon
Next article‘Full access’ hirit ng WHO sa Tsina para sa COVID origin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here