Home NATIONWIDE Mas maraming scholarship opportunities sa Canada alok sa Pinoy — DOST

Mas maraming scholarship opportunities sa Canada alok sa Pinoy — DOST

MANILA, Philippines – MAKAKATUWANG na ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang dalawang Canadian universities para magbigay ng karagdagang scholarship opportunities para sa mga estudyanteng Filipino.

Sa katunayan, nilagdaan ng DOST ang kasunduan kasama ang University of Saskatchewan (USask) at University of Alberta (UAlberta) para palakasin ang kolaborasyon at student exchange sa science-related graduate programs.

Sinabi ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. na mayroong ugnayan sa pagitan ng “economic prosperity at tungkulin ng highly educated individuals, partikular na iyong nasa scientific fields.

“That is why, the signed agreements on scholarship programs with the two universities will set the pace of our flourishing engagement with academic members here in Canada,” ayon kay Solidum.

Ang unang kasunduan na tinintahan ng DOST ay kasama ang University of Saskatchewan (USask) noong Marso 11, makalilikha ng DOST-Science Education Institute (SEI)-USask Graduate Scholarship Program (DOST-SEI-USask GSP).

Ang programang ito ay “long-term collaboration and exchange in graduate studies wherein Filipino doctoral students will be able to pursue their studies and conduct research at USask with financial support from both DOST-SEI scholarships and USask itself.”

Mag-aalok ang USask ng scholarships ng hanggang sa 10 Filipino students kada taon kabilang na ang binawasan na tuition fees katumbas sa local Canadian rate at research funding para sa kanilang disertasyon.

Ang pangalawang kasunduan ay ang renewal contract na pinirmahan noong Marso 13, pinapalawig ang umiiral na DOST-University of Alberta (UAlberta) Graduate Scholarship Program (GSP).

“This program allows Filipino master’s and doctoral students to study and conduct research at UAlberta, also with financial backing provided jointly by the DOST-SEI and UAlberta,” ayon kay Solidum.

“Through these initiatives, we hope to augment the STI human resources in the country and increase the quality of career opportunities for scientists and engineers,” dagdag na pahayag nito.

Idagdag pa rito, sinabi ng DOST na pinangunahan ni Solidum ang isang orientation session ukol sa oportunidad para sa Filipino community sa Saskatchewan at Edmonton, Canada.

Tinuran pa ng DOST na nagsagawa ito ng orientation sessions para ipakilala ang Balik Scientist Program (BSP), kabilang na ang background nito, milestones, eligibility requirements, application procedures, at insentibo.

Pinanindigan naman ng Kalihim ang commitment na suportahan ang scientists nito sa pagtulong patungong sa innovation kapuwa “locally at globally.”

“There is an unwritten qualification in becoming a Balik Scientist, it is the heart to serve the Filipino people and this country. It is what will truly drive us to become a true Balik Scientist,” ayon kay Solidum. Kris Jose

Previous articleIllegal recruitment firm sa QC kinandado ng DMW
Next articleHigit 8,600 menor huling lumabag sa vaping, smoking law – PNP