Home NATIONWIDE Mas maraming staff ng PHI-NADO vs anti-hoping code, aprub kay PBBM

Mas maraming staff ng PHI-NADO vs anti-hoping code, aprub kay PBBM

MANILA, Philippines -PAYAG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbigyan ang kahilingan ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO) na mag-hire o kumuha ng mas maraming tauhan para epektibong maipatupad ang anti-doping activities nito.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang PHI-NADO ay accredited anti-doping organization sa ilalim ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nauna rito, nagkaroon ng pagpupulong sina PSC chairman Richard Bachmann at executive director Paulo Francisco Tatad kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang kung saan ipinaalam nila sa huli ang ginawang pagtalima ng Pilipinas sa World Anti-doping Code (WADC).

Ipinanukala ng PSC na ang institusyonalisasyon ng PHI-NADO upang matiyak ang pagsunod sa Code at paghahangad para sa nalalapit na World Anti-Doping Agency’s (WADA) audit.

Nito lamang Mayo 2023, inihain ang House Bill No. 7927 na nanawagan ng paglikha ng PHI-NADO na naka- attached sa PSC.

Ang nasabing batas ay nakabinbin sa Committee on Youth and Sports Development ng Kongreso.

“This would entail the creation of plantilla positions for the PHI-NADO and allocation of a separate budget. For 2024, the PHI-NADO has an estimated budget requirement of PhP40.87 million for its operational expenses,” ayon sa PCO.

Sa kabilang dako, sa kahalintulad na miting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na maaaring gamitin ng PHI-NADO ang pondo sa ilalim ng PSC habang hinihintay ang kanilang request.

“In the meantime, you can work already for the additional positions under PSC just for transition while waiting for the Executive Order,” ayon pa rin sa Kalihim. Kris Jose

Previous articleAnak patay, ama sugatan sa holdaper
Next articleSSS: TELLERING MACHINE MAGSISIMULA NANG ALISIN