Home NATIONWIDE Mas mataas na singil sa irerehistrong ika-apat na SIM ipinanukala vs text...

Mas mataas na singil sa irerehistrong ika-apat na SIM ipinanukala vs text scammer

237
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ng isang solon ang mas mataas na singil sa sinomang magpaparehistro ng ika-apat na subscriber identity module (SIM) card upang maiwasan ang pagkakalat ng text scammers.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Francis Tolentino na bumibili ng mahigit 50 hanggang 100 SIM card ang sindikatong kriminal upang gamitin ang iba’t-ibang phone number sa panloloko sa text messages.

“Ang pakay po natin dito ay matulungan yung ating mga mahihirap na kababayan na isa lang yung cellphone o dalawa lang yung cellphone at [mahuli] lalong-lalo na po yung mga may balak na gumawa ng krimen, yung mga scammer na bumibili ng singkwenta SIM cards, isang daang SIM cards, nang sa gayon ay tumaas na ang presyo ng SIM cards na iyan, at wala na kayong malolokong mga Pilipino,” ayon kay Tolentino.

Inihalimbawa ng mambabatas ang regulasyon sa subdivision o paaralan na pinagbabayad ng mas malaking halaga ang sinumang homeowners o kliyente na may maraming sasakyan.

“[Ang binabayaran para] sa mga nangungupahan nating mga kababayan, sa mga condominium, yung parking slot mo kapag dalawa na ang kotse, mas mataas na rin,” ayon kay Tolentino.

Kamakailan, hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian sa isang pagdinig ang National Telecommunications Commission na magsagawa ng post validation sa registered SIM cards upang matiyak na tunay na tao ang nagparehistro.

Ipinananwagan ito ni Gatchalian sa gitna ng pagkakalat ng text scam matapos ibulgar ng National Bureau of Investigation na nabibili ang registered SIM card na ibinebenta ng nagparehistro.

Aniya, kapag nagsagawa ng post validation, maiiwasan ang paggamit ng fake IDs sa pagpaparehistro ng SIM card at maiwasan na magamit ito ng sindikato.

“We cannot allow monkeys, horses to be registered. We have to do something or else this will happen over and over again,” aniya. Ernie Reyes

Previous articleNotoryus na smuggler, hoarders, dapat unahin sa economic sabotage law – solon
Next articleSa kabila ng panggigipit sa WPS, Pinas tuloy sa pakikipagtulungan sa Tsina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here